Posts

Showing posts from December, 2008

ngayon 15-12-08

Ang tagal ko na palang walang blog. Pero hindi naman ibig sabihin nun walang nangyare sakin. Andami kaya. Siguro hindi ko na lang magawang maisulat ung mga nangyaring iyon. Mahirap kasi. Ang hirap na nga iexplain, mas mahirap pa ring isulat. Baka pati kayo magbadtrip. Haha. Ngayon, pinipilit ko na lang magsulat. Nakakamiss rin pala. Pero ayoko na lang muna ata magblog. Wala naman kasing pagbabago sa isusulat ko. Baka tungkol dun na naman isulat ko. Hindi pa rin ako natututo. Ayun pa rin. Hay nako. Kung naiiba lang ng pagsusulat ang aking tadhana. Gusto ko na lang ata tumawa. Haha ulit. Makikinig na lang muna ako. Magbabasa. Manonood. Pag hindi ko na uli mapigilan, lalabas na lang ang mga naisulat ko. Hindi rin naman kayo magugulat sa kung anuman ang laman nun. Pero, anung malay natin? Wala lang.    

para sa mga mahilig mag-walkout drama

"kahit anong bagal ng lakad mo, kung di ka naman niya gustong habulin, hindi ka talaga niya maabutan..   kahit mag-stop over ka pa.."   -Bob Ong