cancer
Katulad ng cancer, may hangganan rin ito. Makakalbo rin tayo. Mahahalata rin ang ating panghihina. Maglalalamlam rin ang ating mga mata. Iwasan man natin, lalabas at lalabas ang katotohanan. Gumastos man tayo ng malaki sa pagchechemotherapy, hindi pa rin ito ang katiyakang lunas.
Pero kung Cancer nga ang ating ikamamatay, bakit hahayaan mong patayin nito pati ang mga natitira nating araw?
Pero gaano man kasakit tanggapin na ito ay may hangganan, baka maari pa rin itong maging masaya. Baka sakaling may magawa pa ang isang buwan. Ang isang linggo. Isang araw.
Pero, sa huli, anumang ligaya ang ilagay mo sa mga bilang na mga araw, darating ang araw na ang Cancer naman ang kukuha ng kaniyang ikaliligaya.
Paikot-ikot lang ang lungkot at ligaya.
emo kung emo. haay.
laiza kalbo! hahaha! kalbooo! :p
ReplyDelete